Q & A on CREATE at the Laging Handa public briefing

Q: Ano po ang CREATE Bill at paano po matutulungan ang mga negosyo na makabawi sa COVID?

Senator Pia S. Cayetano (SPSC): Napakahalaga nitong batas na ito kasi sa mga nakaraang buwan, halos isang taon na, talagang parang nalulunod tayo sa problema na dala ng COVID. Kung ano ang normal na problema natin, nadagdagan pa dahil sa COVID. Dahil hirap ang tao maghanap ng trabaho, yung mga negosyo, they are struggling.

Ang kagandahan nitong CREATE na ito… Na-conceptualize ito believe it or not, 25 years ago pa para pagandahin ang incentives para ang mga investors, magustuhan nila mag-invest dito sa Pilipinas. So 25 years in the making na yan. Ang nangyayari kasi kanya-kanyang incentives ang ino-offer, hindi ho coordinated, so the first part of CREATE is yung nagbibigay ng maganda and very competitive incentives compared sa ibang neighboring ASEAN countries natin.

Gusto sana natin, ang ating kagalingan sa English language, we are very competent in English, this is a global world. People will love to invest in our country. So when we pass CREATE na magaganda ang incentives, parang sinabi natin sa mga investors, pasok kayo dito, maganda incentives, bawas ang tax na babayaran sa mga unang taon because kayo naman ang magbibigay ng trabaho, ng technologies. So that’s the first part of CREATE. Yung incentives.

The second part really affects every business person. Kung kayo ay may korporasyon, it doesn’t matter kung small or big, dahil pati naman ho maliliit na negosyante, pwede naman ho magbuo ng korporasyon, ang tax natin ngayon na nasa 30 percent bababa agad ng 25 percent. So kung ang isang korporasyon ay kumita ng P1 million, dati 30 percent nun babayaran as tax, that is P300,000. Ngayon, less 5 percent. So that would be P250,000. Malaking kabawasan.

In addition to that, kung small and medium ka na hindi lumalampas ng P5 million ang kikitain mo, malaki na ang P5 million, 20 percent lang ang iyong tax na babayaran. So in other words, imbes na kukunin ng gobyerno ang tax, ang pera, binabalik niya sa tao. Gamitin niyo sa kung paanong paraan na gusto niyo. Gusto niyong magdagdag ng manggagawa, you want to hire more employees, go ahead. Gusto niyong dagdagan ang benepisyo ng employees niyo, go ahead. Gusto niyong bumili ng makinarya, go ahead. Kung anuman, nilalagay itong pera sa kamay ng mga negosyante.

So yun ang dalawang main features. Marami pang iba. We included VAT and duty-free importation of the COVID vaccines, pati ho ang tax sa educational and health institutes natin, nabawasan ho nang todo kasi maraming nagsasara ngayon so gusto natin makatulong. Isa yan sa konti, pero mauubos oras natin kung inisa-isa ko. So yun na ang pinaka-major. Yung mga binanggit ko.

Q: Ano po ang iba pang tax breaks

SPSC: Katulad nga ng inumpisahan ko nang banggitin, ulitin ko na ang pinakamahalaga ay ang pagbawas ng corporate income tax both for small, medium, and large corporations, yun pang additional na binibigay natin na tax incentives para doon sa pagpasok ng gamot, hindi lang ang COVID vaccines, pero pati yung para sa mga kinikilalang top [disease] na nakakamatay sa atin, kasama po diyan ang TB, cancer drugs, at iba pa.

And then, nabanggit ko nga, pati doon sa educational sector, meron din tayo. Binawasan din natin ang tax nila, and kung meron tayong mga negosyanteng nakikinig, kasi medyo technical na itong sasabihin ko pero meron hong tinatawag na MCIT – minimum corporate income tax – ginawa ho nating 1 percent yan, dati 2 percent. And yung 3 percent percentage tax, ginawang 1 percent. Babalik na lang ito sa 3 percent after 3 years. So ito po ay good for 2 years basically, ngayon hanggang June 2023.So really, support for the business sector kasi kung buhay ang negosyo natin, may trabaho ang tao, makakauwi sila ng pera, at buhay din ang pamilya nila.

Q: How will it benefit existing and future investors?

SPSC: Noong unang na dini-debate itong CREATE, ang pangalan pa niya noon is CITIRA, umaangal ang mga negosyante kasi akala ho nila, ito po yung mga nakakatanggap ng incentvies sa economic zones, katulad ho ng Subic, Bataan, Cebu. may mga economic zones po tayo diyan. Akala nila basta-basta tatanggalin sa kanila yun. Hindi ho totoo yun. In fact, ang nangyari dito, kung kayo ay isang registered business enterprise na tumatanggap ng incentives, tuloy-tuloy po yan for 10 years. Kung income tax holiday, which means wala kayong binabayaran na income tax, honored yun, tuloy-tuloy yun. Tapos kung may natatanggap kayong special income earning, yung rate tawag po dun is GIE, tuloy-tuloy pa rin yan for 10 years. So walang tatanggalin na basta-basta.

And then, yung mga bagong applicant o mga mag-reapply ulit, napakaganda at napakahaba ng incentives na binibigay natin sa kanila, equivalent to 14-17 years. Kumbaga kayo ang GM o presidente, baka retired na kayo, baka yan pa rin ho ang tinatanggap na incentives  ng korporasyon niyo. So siguro ho, wala nang makakapagsabi na hindi maganda ang naibigay natin.

And ang purpose natin dito is tanggap natin na mahirap ang panahon, gusto natin kapag tiningnan yan ng mga investors na may pera, “Uy, maganda diyan sa Pilipinas. Pasok tayo diyan.” At lalong magkakaroon ng trabaho. So maganda ho itong mga incentives, there is nothing to worry about. In fact, andaming business associations na tuwang-tuwa ho na finally, napasa na ito. Kasi ho nung November pa ito napasa ng Senado. Kaya nag-aantay na sila na ma-finalize na ito, maging batas na talaga ito.

Q: On VAT and duty-free vaccines?

SPSC: It’s VAT and duty-free exempt.

Q: PPEs and drugs for COVID-19?

PSC: Basta related sa COVID.

Q: How can CREATE help in countryside development?

SPSC: Maganda itong pagkagawa namin nitong CREATE dahil in-identify po natin ang mga lugar. Kumbaga we categorized every area in the country, such that Metro Manila, siya na ang pinakamababang incentive na matatanggap kasi buhay na ang negosyo sa Metro Manila. Syempre, kailangan pa rin ng tulong, and that’s why andoon ang corporate income tax reduction, binabaan para lahat ng negosyante, kahit saan ka sa buong Pilipinas, makikinabang ka.

But in terms of incentives, yung mas malayong mga lugar, yun ang pinakamagandang incentives. Kaya panawagan ko talaga sa mga local government officials natin, and even the local businessmen, now is a good time to look for partners na madadala niyo kung may mga economic zones sa lugar niyo o kahit walang economic zone, because we have incentive packages na mas maganda kung doon sila magde-develop outside Metro Manila, magada ang package nila. And then, even outside yung ibang mga metropolitan, yung metropolitan Cebu, Davao, kung mas malayo pa, mas maganda rin ang tatanggapin nilang incentive. Kasi mas gusto natin, mag-invest sila sa rural areas natin, mga areas natin na kulang pa talaga sa technology and support systems, doon natin sila gustong mag-focus ng investment.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *